Tatlong infra projects inaprubahan ng NEDA

By Chona Yu July 19, 2023 - 05:12 PM

Inaprubahan ng National Economic Development Authority (NEDA) Board na pinamumunuan ni Pangulong  Marcos Jr. ang tatlo pang infrastructure projectS na magpapalakas ng connectivity sa bansa.

Tinukoy ni NEDA Sec. Arsenio Balisacan ang isa sa mga proyekto. Ito ay ang P170-billion Solicited Proposal to Rehabilitate, Operate, Expand, and Transfer ng Ninoy Aquino International Airport Project, na dadaan  sa public-private partnership.

“This initiative seeks to address long-standing issues at NAIA, including inadequate capacity and restricted aircraft movement,’ aniya.

Target ng proyekto na taasan ang annual airport capacity mula sa kasalukuyang 35 milyong pasahero kada taon sa 65 milyong pasahero at inaasahan na matatapos ito sa susunod na taon.

Isa rin aniya sa mga inaprubahan ng Pangulo ang Samar Pacific Coastal Road II Project, na may P7.48 bilyong project, kabilang ang pagtatayo ng dalawang marine bridges na Laoang II Bridge at Calomotan Bridge.

Inaprubahan din ng Pangulo ang pag-aayos ng Laguindingan International Airport Project na pinondohan ng  P12.75 bilyon.

 

TAGS: airports, bridges, Infra projects, NAIA, neda, airports, bridges, Infra projects, NAIA, neda

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.