Duterte hinihintay na ng selda ng ICC – de Lima

By Jan Escosio July 19, 2023 - 02:52 PM

INQUIRER FILE PHOTO

Panahon na upang sagutin ni dating Pangulong Duterte ang kanyang mga kasalanan sa Diyos at sambayanang Filipino.

Ito ang sinabi ni dating Sen. Leila de Lima kaugnay sa pagbasura ng Appeals Chamber ng International Criminal Court (ICC) sa apila ng gobyerno ng Pilipinas na kalimutan na ang pag-iimbestiga sa “war on drugs” ng nakalipas na administrasyon.

Dagdag pa ng dating senadora na dadating na ang oras na si Duterte naman ang magmamakaawa.

Banggit ni de Lima, kasunod na nito ang pagbasa ng Office of the Prosecutor ng ICC sa sakdal at pagpapalabas ng arrest warrants, na aniya ay inaasahan niya na mangyayari bago matapos ang taon.

Dagdag pa niya na kapag nangyari ito, wala ng magagawa ang gobyerno ng Pilipinas at mag-isang haharapin ni Duterte at ng iba pang isinasangkot sa sinasabing “crimes against humanity” ang ICC.

 

 

TAGS: de lima, drug war, duterte, ICC, de lima, drug war, duterte, ICC

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.