Ex-partylist solon bagong LTO chief

Itinalaga ni Pangulong Marcos Jr. si Attorney Vigor Mendoza bilang bagong pinuno ng Land Transportation Office (LTO). Papalitan niya si  Officer in Charge  Hector Villacorta na itinalaga noon lamang Hunyo 1 matapos ang pagbibitiw ni Jay Art Tugade noong Mayo 22. Si Mendoza ay dating kinatawan ng 1 -UTAK ( United Transport Alliance Koalisyon) party-list at dating nagsilbing board member ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ( LTFRB). Kasabay nito, ang pagtatalaga kay Philippe Lhuilllier bilang Philippine ambassador sa Kingdom of Spain. Nagtalaga din si Pangulong Marcos Jr., ng mga bagog opisyales sa Departments of Finance, Justice, Energy, Labor and Employment, at Public Works and Highways.

Read more...