Tatlong opisyal ng PNP na sangkot sa droga at korapsyon, binigyan ng pitong araw na Ultimatum ni Duterte

By Dona Dominguez-Cargullo June 23, 2016 - 06:51 AM

dutertespeakMay pitong araw na lamang na nalalabi para makapagretiro ang tatlong mataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP) na umano’y sangkot sa mga illegal na gawain.

Sa kaniyang pahayag sa Alabel, Saranggani kahapon, sinabi ni President-elect Rodrigo Duterte na binibigyan lamang niya ang tatlong PNP generals ng hanggang umaga ng June 30 para magretiro.

Kung mabibigo aniya ang mga ito na mag-retire, ihahayag niya sa publiko ang kanilang pangalan.

“Retire now or I will ask for your resignation in public,” ayon kay Duterte.

Kailangan ayon kay Duterte na bago siya pormal na makaupo sa pwesto sa June 30 ng tanghali ay nakapagretiro na ang tatlo.

Ang tatlong PNP officials ang nauna nang binanggit ni Duterte na sangkot sa korapsyon at illegal na droga.

Sa kabila ng pagkakasangkot ng ilang pulis sa ilegal na gawain, sinabi ni Duterte na tiwala pa rin sa kakayahan at integridad ng mga otoridad sa bansa.

Tiniyak din nitong susuportahan niya ng buo ang pambansang pulisya.

 

 

 

TAGS: duterte, duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.