Pinuri ni Senator Mark Villar ang pagpirma ni Pangulong Marcos Jr., sa panukalang Maharlika Investment Fund (MIF) upang maging ganap na batas o ang Republic Act 11954.
Si Villar bilang pinuno ng Senate Committee on Banks ang nanguna sa mga pagdinig para sa panukala at siya din ang nag-sponsor at naki-debate para sa panukala sa plenaryo ng Senado.
Ayon sa senador ang pagkakapirma ng Maharlika Law ay pagpapakita na ang pagbangon ng ekonomiya ng ating bansa ang isa sa mga pangunashing prayoridad ng kasalukuyang administrasyon.
Sabi pa niya sa pamamagitan ng MIF law ay makakagawa ng mas maraming trabaho para sa mga Filipino at makakapagbigay ng nararapat na pondo para sa iba’t ibang mga sektor gaya ng agriculture, energy,health, information technology at infrastructure.
Pagpupunto pa ni Villar, ang MIF law ay isang makasaysayang lehislasyon dahil ito ang unang sovereign investment fund ng Pilipinas.
Ngayon aniya ay makakasabay na ang Pilipinas sa iba pang mga bansa na mayroon ng sovereign wealth fund.