Sen. Mark Villar nalugod na batas na ang ipinaglaban na MIF

By Jan Escosio July 19, 2023 - 09:59 AM

SENATE PRIB PHOTO

Pinuri ni Senator Mark Villar ang pagpirma ni Pangulong Marcos Jr., sa panukalang Maharlika Investment Fund (MIF) upang maging  ganap na batas o ang Republic Act 11954.

Si Villar bilang pinuno ng Senate Committee on Banks ang nanguna sa mga pagdinig para sa panukala at siya din ang nag-sponsor at naki-debate para sa panukala sa plenaryo ng Senado.

Ayon sa senador ang pagkakapirma ng Maharlika Law ay pagpapakita na ang pagbangon ng ekonomiya ng ating bansa ang isa sa mga pangunashing prayoridad ng kasalukuyang administrasyon.

Sabi pa niya sa pamamagitan ng MIF law ay makakagawa ng mas maraming trabaho para sa mga Filipino at makakapagbigay ng nararapat na pondo para sa iba’t ibang mga sektor gaya ng agriculture, energy,health, information technology at infrastructure.

Pagpupunto pa ni Villar, ang MIF law ay isang makasaysayang lehislasyon  dahil ito ang unang sovereign investment fund ng Pilipinas.

Ngayon aniya ay makakasabay na ang Pilipinas sa iba pang mga bansa na mayroon ng sovereign wealth fund.

TAGS: fund, Investment, Maharlika, fund, Investment, Maharlika

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.