Tolentino: Pagpupumilit ng ICC, pagbalewala sa sobereniya ng Pilipinas

SENATE PRIB PHOTO

Walang nagbago, ayon kay Senator Francis Tolentino, sa posisyon ng Pilipinas sa pagbasura ng Pre-Chamber ng International Criminal Court (ICC) sa apila ng bansa ukol sa pag-iimbestiga sa “war on drugs.”

Diin ni Tolentino sa simula pa lamang ay wala ng huriskdiksyon ang ICC sa Pilipinas.

“Any misguided claims suggesting otherwise would only highlight ICC’s persistent disregard for Philippine sovereignty,” sabi pa ng namumuno sa Senate Committee on Justice and Human Rights.

Sinabi pa ng senador na walang awtoridad ang anumang “foreign entity” na imbestigahan ang nakalipas na administrasyong-Duterte.

Magugunita na nagboluntaryo na rin si Tolentino na dedepensahan si Sen. Ronald dela Rosa na kabilang din sa iniimbestigahan ng ICC bilang dating hepe ng pambansang pulisya at arkitekto ng “Oplan Tokhang.”

 

 

Read more...