‘Itigil na ang kurapsyon o papatayin ko kayo’ – Duterte

By Kabie Aenlle June 23, 2016 - 04:51 AM

duterte chrHindi pa man opisyal na nauupo bilang pangulo ng bansa, muli nang binubuhay ni incoming President Rodrigo Duterte ang kaniyang banta laban sa mga tiwaling kawani ng pamahalaan at mga smugglers.

Ito’y kasunod ng kaniyang pagbanggit sa mga negosyante na tinatayang nasa P300 million ang nalulugi sa lahat ng 17 pantalan ng Pilipinas araw-araw dahil sa smuggling na nakakalusot sa Bureau of Customs.

Giit ni Duterte, mahina ang kaniyang pasensya sa katiwalian at kriminalidad kaya banta niya sa mga kawani ng gobyerno, itigil na ang kurapsyon kundi ay papatayin niya silang lahat pati na ang mga smugglers.

Ito rin aniya ang dahilan kung bakit si Capt. Nicanor Faeldon ang itatalaga niya sa BOC upang matapos na ang katiwalian sa kawanihan at makolekta pa ang P300 milyong nawawala araw-araw.

Hindi naman nabanggit ni Duterte kung saan nanggaling ang datos na kaniyang ipinahayag, pero malayo ito sa bilang na naitala ng pamahalaan na P547 milyong nalulugi sa ahensya araw-araw o may kabuuang P200 billion taun-taon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.