Bilang ng mga pasahero ng AirAsia balik na sa pre-pandemic level

Umaasa ang AirAsia Philippines na magtutuloy-tuloy ang pagdami pa ng kanilang mga pasahero hanggang sa pagtatapos ng taon.   Ibinahagi ni AirAsia Philippines spokesperson Steve Dailisan, director for Communications and Public Affairs, na nakapagrehistro sila ng 92% load factor mula Enero hanggang nitong Hunyo na mataas pa sa naitalang 91% bago ang pagtama ng pandemya noong 2020.   Dagdag pa ni Dailisan na simula noong Hulyo 1 hanggang Hulyo 15, nakapagtala na sila ng 94% load factor.   “We attribute the increase in load factor to the trust our guests have placed in AirAsia. Our improved on-time performance best value for money deals and safety protocols entice our customers to fly with the world’s best low-cost carrier,” aniya.   Pagbabahagi pa nito, na tumaas pa ng walong porsiyento ang sa 78% o 22.2 milyon ang mga pasahero na gumamit sa NAIA terminals at ito ay walong porsiyento na mataas bago ang pandemya.   Pagtitiyak pa ni Dailisan na patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno at ibang stakeholders sa industriya  para mapagbuti pa nila ng husto ang kanilang mga serbisyo.   Kamakailan, napanatili ng AirAsia ang titulong “World’s Best Low-Cost Airline” ng SKYTRAX sa nakalipas na 14 taon.

Read more...