P27-M halaga ng pekeng US dollars kinumpiska, 60-anyos na lalaki timbog

By Jan Escosio July 19, 2023 - 07:34 AM

SPD PIO PHOTO

Naaresto ang isang 60-anyos na lalaki sa pagtatangka na ipalit sa isang foreign exchange shop sa Makati City ang mga pekeng dolyar kamakalawa ng umaga.   Sinabi ni Southern Police District director, Brig. Gen. Kirby Kraft na unang nagtungo sa isang bangko ang suspek para ipalit ang mga dolyar.   Ngunit itinuro siya sa forex shop sa Legazpi Village sa katuwiran na hindi nagpapalit ang bangko ng malaking halaga ng dolyar.   Sa sandaling ito, nadiskubre na peke ang mga dolyar kayat ipinaaresto na ang suspek.   Sinabi pa ni Kraft na kung maipapalit, aabot sa P27 milyon ang halaga ng mga pekeng $100 na nakuha sa suspek.   Dagdag ng opisyal, ipapadala ang mga pekeng pera sa  Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) upang masuri ng husto at malaman ang lawak ng operasyon ng suspek.

TAGS: dollar, fake, makati city, SPD, dollar, fake, makati city, SPD

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.