Alam ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pakikipagpulong ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kay Chinese President Xi Jinping sa Beijing, China kamakailan.
Sa panayam kay Pangulong Marcos sa Tondo, Manila, sinabi nito na hindi na kailangan ni Duterte na humingi pa ng permiso sa kanya.
Magkaibigan at magkakilala naman aniya sina Duterte at Xi.
“No. Nag permiso? Hindi naman kailangan. Alam ko naman na pupunta siya. At magkaibigan sila, magkakilala sila. So, I hope that napag-usapan nila iyong mga isyu na ngayon na mga nakikita natin, iyong mga shadowing, iyong mga kung anu-ano. All of these things that we are seeing now I hope napag-usapan nila para naman magakroon tayo ng progress, kasi iyon naman talaga ang habol natin e patuloy ang pag-uusap,” pahayag ni Pangulong Marcos.
Umaasa si Pangulong Marcos na ipagbibigay alam sa kanya ni Duterte kung ano ang mga napag-usapan nil ani Xi.
“Kaya’t I welcome any new lines of communication. If that is President PRRD then good. Hindi importante sa akin kung sino, kung ano. Basta’t may makausap sila baka makatulong. I am sure that he will have a hindi naman report, I am sure he will be able to tell us what happened during their conversation and see how that affects us,” pahayag ng Pangulo.
Matatandaang ilang beses nang nakaranas ng harassment ang mga Filipinong mangingisda na nagtutungo sa West Philippine Sea mula sa Chinese Coast Guard.