Bunga ng Maharlika Investment Fund hindi agad mararamdaman – Zubiri

Sinabi ni Senate President Juan Miguel “Migz” Zubiri na hindi agad-agad mararamdaman ang positibong ibubunga ng Maharlika Investment Fund.

Aniya maaring abutin ng ilang taon bago tunay na maramdaman ng mamamayan ang benepisyo ng batas lalo na sa infrastructure projects.

Nabanggit niya ang binabalak na Cavite – Bataan Interlink Bridge na aabutin ng hanggang anim na taon ang pagpapatayo.

At kapag aniya nabuksan na, bukod sa ginhawang idudulot sa mabilis na pagbiyahe mula Cavite hanggang Bataan, kikita na ang inilagak na sovereign fund sa pamamagitan ng ibabayad na toll ng mga motorista.

Kayat ayon kay Zubiri ang lubos na makikinabang sa MIF ay ang mga administrasyon na susunod sa kasalukuyang administrasyong-Marcos Jr.

 

Read more...