Mga mangingisda sa Zambales, umaasa na lang sa desisyon ng UN tribunal

By Kathleen Betina Aenlle June 23, 2016 - 04:36 AM

 

AFP/Inquirer.net

Tanging ang desisyon na lamang mula sa Permanent Court of Arbitration ang inaasahan ng mga mangingisda sa Zambales para matigil na ang pambu-bully sa kanila ng mga Chinese patrols sa kanilang pinangingisdaan.

Isa sa mga nakaranas nito ay ang mangingisda na si Jonathan Almandrez na itinaboy ng mga Chinese patrol sa Panatag shoal na ayon sa kaniya ay hitik sa lamang dagat.

Naiinis si Almandrez dahil ang lakas ng loob ng mga ito na tabuyin sila gayong sila naman ay nasa loob pa ng teritoryo ng Pilipinas.

Ayon sa mga lokal na mangingisda, matagal na nilang hunting ground ang Panatag Shoal, ngunit inaangkin ito ng China sa pamamagitan ng pangha-harass sa kanila mula nang kontrolin nila ito noong 2012.

Simula din noon, ang mga mangingisda na hindi Chinese ay binubusinahan nang napakalakas at halos nakabibingi na mula sa barkong naka-istasyon sa loob nito.

Kapag hindi naman natinag ng malakas na busina ang mga mangingisda, ginagamitan umano sila ng malakas na water cannon.

Inaasahang oras na lumabas na ang desisyon ng arbitral court, makatutulong ito sa kasunduan sa pagitan ng China at ng ibang mga bansa.

Ngunit dahil una na nilang sinabing hindi nila ito kikilalanin, nanganganib na hindi na talaga payagan ng China ang mga mangingisda na pumasok sa Panatag Shoal.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.