Klase sa Quezon City suspendido sa SONA ni Pangulong Marcos
Idineklara ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na walang pasok ang lahat ng antas ng pribado at pampublikong paaralan sa lungsod sa Lunes, Hulyo 24, 2023.
Ito ay para bigyang daan ang ikalawang State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Ibinase ni Belmonte ang deklarasyon sa Executive Order No. 23.
Una rito, magpapatupad ang Philippine National Police ng lockdown sa Batasan Complex kung saan gagawin ang SONA ng Pangulo.
Ito ay para matiyak ang seguridad ng Pangulo habang nagbibigay ulat sa taong bayan kung ano ang nagawa ng administrasyon sa nakalipas na taon.
Pinapayuhan din ang mga motorista na apektado ng lockdown na maghanap ng alternatibong ruta.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.