Niyanig ng 4.1 magnitude na lindol na ang Burgos, Ilocos Norte kaninang 9:30 ng umaga, Hulyo 18.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, tectonic ang origin ng lindol na may lalim na 28 kilometro.
Naramdaman ang Intensity IV sa Pagudpud, Adams, Pasuquin, Bangui, Dumalned at Vintar sa Ilocos Norte.
Naramdaman naman ang Intensity III sa Bacarra, Laoag City, Sarrat at San Nicols sa Ilocos Norte, Intensity II sa Carasi at Dingras sa Ilocos Norte.
Naramdaman ang Intensity I sa Batac at Banna sa Ilocos Norte at Sinait sa Ilocos Sur.
Wala namang inaasahang aftershocks matapos ang lindol.
MOST READ
LATEST STORIES