Rep. Arnie Teves hindi nagsumite ng counter-affidavit, kaso ipinababasura

By Jan Escosio July 18, 2023 - 08:17 AM

 

Hindi na nagsumite ng kanyang counter-affidavit si suspended Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo “Arnie” Teves Jr. at sa halip ay hiniling nito sa Department of Justice (DOJ) na ibasura na ang mga kasong kriminal na isinampa laban sa kanya.

Ang mga isinampang kaso ay kaugnay sa pagpatay kay Gov. Roel Degamo at siyam iba pa noong Marso 4 sa bayan ng Pamplona, sa nasabing lalawigan.

Bunga nito, nagdesisyon ang panel of prosecutors na isumite na para sa resolusyon ang mga kasong multiple murder, multiple frustrated murder, at multiple attempted murder na isinampa laban kay Teves.

Samantala, sa inihain niyang mosyon, iginiit ni Teves na ang mga akusasyon ay base lamang sa mga alegasyon na walang sapat na basehan.

Isinangkot si Teves ng mga arestadong suspek, ngunit 10 sa kanila ay binawi na ang nauna nilang sinumpaang-salaysay.

Patuloy na nagtatago si Teves sa ibang bansa at iginigiit na may pagbabanta sa kanyang buhay.

TAGS: Counter affidavit, negros, news, Radyo Inquirer, suspended, teves, Counter affidavit, negros, news, Radyo Inquirer, suspended, teves

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.