Lockdown sa Batasan Complex simula sa Huwebes

 

Inquirer file photo

 

Bilang bahagi ng paghahanda para sa ikalawang State of the Nation Address (SONA), simula sa Huwebes, Hulyo 20, ay naka-lockdown na ang Batasan Pambansa.

Ito ay nakasanayan  na rin na bahagi ng standard operating procedure (SOP).

Sinabi ni House Secretary General Reginald Velasco na 95 porsiyento ng handa ang Kamara para sa SONA sa Hulyo 24.

Inaasahan ang pagdalo ng Unang Pamilya, mga miyembro ng dalawang kapulungan ng Kongreso, mga buhay na dating pangulo ng bansa at foreign dignitaries.

Sa Hulyo 24 din ang pagsisimula ng 2nd Regular Session ng 19th Congress.

Read more...