Bilanggo sa Bilibid nagsuko ng shabu, drug paraphernalia
Isinuko ng isang person deprived of liberty (PDL) sa pamunuan ng National Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City ang ilang gramo ng shabu at drug paraphernalia.
Sinabi ni NBP acting Supt. Angelina Bautista, ang mga droga at paraphernalia ay isinuko ni Robert Gamboa, isang bilanggo sa Maximum Security Compound, noong nakaraang araw ng Linggo.
Aniya nakatanggap sila ng impormasyon na may isang preso ang may droga at balak niya na isuko ang mga ito.
Nasa isang pouch bag ang droga na nasa anim na plastic sachets.
Isinuko din ni Gamboa ang dalawang juice in can, kung saan nakasilid naman ang drug paraphernalia.
Ibinigay na ng NBP ang droga at paraphernalia sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Ayon pa kay Bautista tumanggi si Gamboa na magbigay ng detalye ukol sa droga, partikular na kung sino ang nagbigay nito sa kanya.
Gayunpaman, inilipat na si Gamboa sa Medium Security Compound.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.