Hindi pa man ganap na nagiging batas ang Maharlika Investment Fund bill, sinabi na ni Senator Risa Hontiveros na susuporta siya sa anumang pagkilos o paghahamon sa naturang batas.
Inaasahan na ngayon araw ay pipirmahan ni Pangulong Marcos Jr., ang panukala upang maging ganap na batas, base na rin sa naunang anunsiyo ni Senate President Juan Miguel Zubiri.
Pagbabahagi ng senadora na may mga grupo na naghahanda na upang kuwestiyonin sa Korte Suprema ang MIF.
Diin ni Hontiveros nanatili ang pagkontra nila ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III sa MIF.
Tiyak din na mababanggit ito ni Pangulong Marcos Jr., sa kanyang ikalawang State of the Nation Address (SONA) sa Lunes.
MOST READ
LATEST STORIES