PNP, litung-lito na kung saan lulugar sa isyu ng mga drug operations

 

Inquirer file photo

Kung ang PNP ang tatanungin, hindi na umano nila alam kung saan sila lulugar sa gitna ng pinaiigting nilang kampanya kontra iligal na droga.

Sa harap na rin ito ng pagkuwestiyon ng ilang mga sektor sa halos araw-araw na anti-drug operations kung saan araw-araw din na may nalalagas na mga drug suspects.

Ayon kay PNP Spokesman CSupt Wilben Mayor, nasa sitwasyon silang ‘damned if you do, damned if you dont’ kung saan kumilos sila o hindi, pareho ding may puna at batikos silang natatanggap.

Gayunpaman, giit ni Mayor, ang mahalaga dito ay ginagawa nila ang kanilang mandato, makatanggap man sila ng papgpuri sa publiko o hindi.

Matatandaang simula nang manalo bilang pangulo si Davao City Mayor Rodrigo Duterte, nagsimula nang paigitingin ng kanilang mga operasyon kontra iligal na droga.

Gayunman, ilang sektor ang kumukuwestyon sa mga hakbang ng PNP dahil karamihan sa kanilang inooperate ay napapataymatapos umanong manlaban sa mga otoridad.

Read more...