Hontiveros tutol sa paglilipat sa Philhealth sa ilalim ng Office of the President

OSRH PHOTO

Para kay Senator Risa Hontiveros magiging maling hakbang na mapasailalim ng Office of the President (OP) ang Philhealth.

Katuwiran ni Hontiveros hindi maituturing na eksperto sa pagpapatupad ng Universal Health Care (UHC) Law ang opisina ng pangulo ng bansa. Ito aniya ay bahagi ng mandato ng Department of Health (DOH). Babala pa ng senadora, kung ililipat sa OP ang PhilHealth ay lalong hindi matutugunan ang mga pangangailangang pangkalusugan ng mga mamamayan sa kadahilanang maraming kailangang isulong na reporma sa health care sector na mas nangangailangan ng tulong at suporta sa ehekutibo. Una na rin inihayag ng Department of Justice na walang isyung legal kung ang OP na ang mangangasiwa sa Philhealth.

Read more...