Hontiveros tutol sa paglilipat sa Philhealth sa ilalim ng Office of the President
By Jan Escosio July 17, 2023 - 04:42 PM
Para kay Senator Risa Hontiveros magiging maling hakbang na mapasailalim ng Office of the President (OP) ang Philhealth.
Katuwiran ni Hontiveros hindi maituturing na eksperto sa pagpapatupad ng Universal Health Care (UHC) Law ang opisina ng pangulo ng bansa. Ito aniya ay bahagi ng mandato ng Department of Health (DOH). Babala pa ng senadora, kung ililipat sa OP ang PhilHealth ay lalong hindi matutugunan ang mga pangangailangang pangkalusugan ng mga mamamayan sa kadahilanang maraming kailangang isulong na reporma sa health care sector na mas nangangailangan ng tulong at suporta sa ehekutibo. Una na rin inihayag ng Department of Justice na walang isyung legal kung ang OP na ang mangangasiwa sa Philhealth.Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.