Mayor Abby Binay nababahala sa higit 300,000 Makatizens na lilipat sa Taguig City
Nagpahayag ng pagkabahala si Makati City Mayor Abby Binay sa kapakanan ng higit 300,000 residente ng District 2 na malilipat sa Taguig City dahil sa naging desisyon ng Korte Suprema.
Pagtitiyak na lamang ni Binay, makikipag-ugnayan at makikipagtulungan sila sa mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno.
Sa kanyang video message sa My Makati, ang official Facebook page ng lokal na pamahalaan, nagpahiwatig pa si Binay na hahanap ng paraan para magtuloy-tuloy ang pagtanggap ng mga benepisyo ng mga residente ng Barangays Pembo, Comembo, Cembo, South Cembo , West Rembo, East Rembo, at Pitogo, gayundin ang 240 ektaryang military reservation, kung saan naman nakapaloob ang Bonifacio Global City (BGC).
Pagdiin na rin ng opisyal na ang isyu ay hijndi ukol sa BGC o pulitika kundi ang kapakanan lamang ng mga maaapektuhang residente.
Kabilang aniya sa kanyang pangunahing iniintindi ay ang kapakanan ng mga libo-libong mag-aaral sa mga paaralan sa mga naturang barangay, maging ang mga estudyante sa University of Makati.
Maging ang mga serbisyong pangkalusugan na naibibigay ng pamahalaang-panglungsod ng Makati.
“Hindi na sila makakatanggap ng mga benepisyo at tulong pinansiyal na tanging Makati lang ang nagbibigay. Paano na ngayon sila?” pag-aalala ni Binay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.