Mining shares, patuloy ang pagbulusok

By Jay Dones June 23, 2016 - 04:26 AM

 

Mula sa inquirer.net

Nagpatuloy sa ikalawang araw ang pagbulusok ng halaga ng mga mining stocks matapos tanggapin ng anti-mining advocate at environmentalist na si Gina Lopez ang posisyon na maging bagong kalihim ng Department of Environment and Natural Resources o DENR.

Mula sa 4.09 percent na pagbagsak ng mining shares noong Martes, Lalo pa itong bumaba sa 7.31 percent kahapon, Miyerkules.

Kabilang sa mga bumagsak ang shares ay ang First Pacific na nagkokontrol ng Philex Mining na isa sa pinakamalaking mining company sa bansa na nagtamo ng 10.86 na laglag sa presyo ng stocks.

Sa kabila nito, iginigiit ng negosyanteng si Manny Pangilinan, na ‘business as usual pa rin’ ang sitwasyon.

Tanging magagawa lamang nila sa ngayon aniya ay ang tanggapin ang katotohanan at ituloy ang kanilang na-umpisahan.

Kasabay nito,nangako si Pangilinan na susuportahan ang panawagan ni incoming president Rodrigo Duterte na ipairal ang ‘responsible mining’ upang makatulong sa pag-asensyo ng mga komunidad at ng buong bansa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.