Sen. Bong Revilla positibo pa rin sa legislated wage hike

By Jan Escosio July 17, 2023 - 10:11 AM

Hindi bibitawan ni Senator Ramon ‘Bong” Revilla Jr., ang pagsusulong ng legislated wage hike kahit epektibo na ang P40 taas sahod sa mga manggagawa sa pribadong sektor kahapon, Hulyo 16.

Magugunita, sa unang termino pa lamang ni Revilla sa Senado ay naghain na siya ng panukala para sa legislated wage hike.

Base sa records ng Senado, naghain na ng naturang panukala si Revilla noong 14th Congress hanggang ngayon 19th Congress, kung kailan nagsumite si Senate President Juan Miguel “Migz” Zubiri ng sarili niyang bersyon.

“Naniniwala ako na isa sa mga araw na darating ay makukuha natin ang tagumpay hinggil sa karagdagang sahod na dekada na nating ipinaglalaban, kaya nagpapasalamat ako kay SP Zubiri at mga kasamahan natin sa Senado dahil unti-unti ay lumiliwanag na ang lahat” ani Revilla. Diin nito ang mga manggagawa ang isa mga nagtataguyod ng ekonomiya ng bansa. “Napakalaki ng utang na loob natin sa mga manggagawa, at kahit ngayong ipinatupad na ang P40 wage hike sa NCR ay naniniwala akong kulang na kulang ito para sa pang-araw-araw na gastusin kaya tuloy pa rin ang pagsulong natin sa P150 na dagdag sahod pa” dagdag pa ng senador.

 

TAGS: Revilla, Senate, wage hike, Revilla, Senate, wage hike

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.