Nagparanas ng muling pagsigla ang Bulkang Mayon sa nakalipas na 24 oras, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sa 5am bulletin ng Phivolcs, naitala ang 184 volcanic earthquakes at 238 rockfall events mula sa naunang naitala na 38 volcanic earthquakes, ngunit mas mataas na rockfall events sa bilang na 262.
Bumaba din ang ibinugang sulfur dioxide (SO2) mula sa 2,989 tonelada noong Hulyo 15, ito ay naging 1,689 tonelada kahapon, Hulyo 17.
Wala naman pagbabago sa pag-agos ng nagbabagang putik, 2.8 kilometers sa Mi-isi Gully at 1.4 kilometro naman sa Bonga Gully, gayundin ang lava dome collapse sa dalawang gullies at apat na kilometro naman sa Basud Gully.
Nananatili ang babala ng Phivolcs sa mga lokal na residente sa rockfalls, landslides, avalanches, ballistic fragments, lava flows, at mahinang pagsabog.