P240-M halaga ng fake branded at luxury goods nasamsam sa Subic

By Jan Escosio July 17, 2023 - 09:28 AM

BOC PHOTO

Nadiskubre ng mga ahente ng Bureau of Customs – Port of Subic ang dalawang container vans na naglalaman ng mga fake luxury at branded products.

Kabilang sa mga nasamsam ay mga pinekeng Balenciaga, Louis Vuitton, Adidas, Calvin Klein, Under Armour, Lacoste, GAP, Nike, Zara, at Reebok.

Isinagawa ang physical examinations sa mga laman ng dalawang container vans base sa impormasyon na may posibleng paglabag sa Intellectual Property Rights (IPR) regulations.

Nabatid na ang mga produkto ay nakalagay sa  1,269 kahon na idineklarang naglallaman ng t-shirts.

Nagpalabas na ng warrants of Seizure and Detention sa mga pekeng produkto base sa paglabag sa  RA 8293 o ang Intellectual Property Code of the Philippines), kaugnay na rin sa RA 10863 o ang Customs Modernization and Tariffication Act.

TAGS: BOC, fake, Ipo, BOC, fake, Ipo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.