95% gusto ng mas mataas na sahod – Zubiri

By Jan Escosio July 17, 2023 - 05:33 AM

INQUIRER FILE PHOTO

Tiniyak ni Senate President Juan Miguel “Migz” Zubiri na isusulong pa rin sa Senado ang pagbibigay ng umento sa mga manggagawa sa pamamagitan ng  legislated wage hike.

Aniya malawak ang panawagan para sa taas-sahod base na rin sa Pulse Asia survey.

Pagbabahagi niya, sa isinagawang survey noong Hunyo 19 hanggang 23, pangalawa ang dagdag-sahod sa pinaka-iintindi ng publiko sa 44% at ang una ay ang pagkontrol sa inflation na 63%.

“Yan ang kailangan nating tutukan at pangako ko po yan. The Senate will make a stand on this issue. Alam ko maraming magagalit sa ating mga negosyante, but share-share lang. Kailangan din po nilang magshare ng biyaya sa ating mga manggagawa,” ani Zubiri sa panayam sa radyo.

Sa nabanggit din na survey, 95% ang sumang-ayon sa P150 taas-sahod.

Aniya gagamitin niya ang resulta ng survey upang kumbinsihin ang mga kapwa senador na suportahan ang P150 legislated wage hike kapag nagsimula na muli ang deliberasyon ukol sa panukala.

TAGS: Inflation, survey, wage hike, Inflation, survey, wage hike

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.