39 volcanic quakes, 362 rockfall events naitala sa Bulkang Mayon
Aabot sa 39 volcanic earthquakes, 362 rockfall events at limang pyroclastic density current events ang naging aktibidad ng Bulkang Mayon sa nakalipas na 24 oras.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, nasa 2,132 tonelada ng sulfur dioxide ang ibinuga ng bulkan.
Naging mabagal ang pagdaloy ng lava mula saa crater na may haba na 2.8 kilometro sa Mi-isi Gully at 1.4 kilometro sa Bonga Gully at 4 na kilometro sa Basud Gully.
Natatakpan ng ulap ang bulkan kung kaya walang naitalang plume.
Nanatili sa Alert Level 3 ang bulkan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.