Tropical Depression Dodong lalabas na ng PAR ngayong araw
Napanatili ng Tropical Depression Dodong ang lakas habang tinatahak ang West Philippine Sea sa bahagi ng Ilocos Region.
Base sa 5:00 a.m. advisory ng Pagasa, inalis na ang Tropical Cyclone Wind Signals sa alin mang bahagi ng bansa.
Namataan ang sentro ng bagyo sa 270 kilometro kanluran ng Sinait, Ilocos Sur.
Kumikilos ang bagyo sa kanlurang direksyon sa bilis na 20 kilometro kada oras.
Taglay ng bagyo ang hangin na 55 kilometro kada oras at pagbugso na 70 kilometro kada oras.
Patuloy naman na makararanas ng pag-ulan ang La Union at Pangasinan.
Inaasahang lalabas na sa Philippine Area of Responsibility ang bagyo sa 290 kilometro kanluran ng Laoag, Ilocos Norte mamayang 2:00 ng hapon, Hulyo 15.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.