Blogger kulong sa bansag na “Palace lapdogs” sa 7 senador

By Jan Escosio July 14, 2023 - 04:38 PM
Guilty ang hatol  ng isang korte sa Pasay City sa blogger na si Edward Angelo “Cocoy” Dayao sa reklamo sa kanya ng pitong  dati at kasalukuyang senador. Magugunita na noong 2017 tinawag ni Dayao sa kanyang “Silent No More PH” blog post na “Malacañang lapdogs” o tuta ng administrasyon si dating Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto IiI. Bunga nito inireklamo ang blogger ng cyber libel alinsunod sa Republic Act 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012 noong  Hulyo 13,  2018. Kasama din sa naturang bansag sina Sens. Aquilino “Koko” Pimentel III, Juan Miguel Zubiri at Cynthia Villar maging sina dating Sens. Manny Pacquiao, Gregorio Honasan, at Richard Gordon  dahil sa hindi nila paglagda sa resolusyon na kumokondena sa pagkamatay ng ilang menir de edad sa war against drugs ng administrasyong-Duterte. Sa desisyon ni Acting Presiding Judge Gina Bibat-Palamos, ng RTC Branch 111, pintawan si Dayao ng dalawa at kalahating taon hanggang apat na taon at limang buwang pagkabilanggo.

TAGS: Blogger, news, Radyo Inquirer, Vicente Sotto III, Blogger, news, Radyo Inquirer, Vicente Sotto III

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.