Hulyo 12 nais ni Hontiveros na maideklarang ‘National WPS Victory Day’
By Jan Escosio July 14, 2023 - 02:34 PM
Hiniling ni Senator Risa Hontiveros na kilalanin at magunita sa bansa ang Hulyo 12 bilang National West Philippine Sea Victory Day.
Paliwanag ni Hontiveros ito ay upang taun-taong gunitain ang tagumpay ng bansa sa Permanent Court of Arbitration (PCA) sa Hague , Netherlands noong 2016 kung saan pinagtitibay ang soberenya ng bansa sa WPS at ibinabasura ang iginigoit na nine-dash line ng China.
Paliwanag pa ng senadora ang pagalala sa naturang tagumpay noong 2016 ay makakatulong para humina ang pag aangkin ng China sa pinagaagawang teritoryo.
Paulit-ulit aniya ang kasinungalingan at propaganda ng China kaya hindi dapat tumitigil ang Pilipinas sa pagsisiwalat ng katotohanan at dapat itong umpisahan sa pagpapatibay ng kalaaman ng mga Filipino sa karapatan ng bansa sa WPS.
Noong nakaraang linggo ay naghain si Hontiveros ng Senate Resolution 659 na nanawagan sa gobyerno sa pamamagitan ng Department of Foreign Affairs (DFA) na iakyat ang agawan ng teritoryo sa UN General Assembly.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.