Pinay natagpuang patay sa Hong Kong
By: Jan Escosio
- 1 year ago
Naaagnas na ang katawan ng pinaniniwalaang Filipina nang matagpuan kahapon sa gilid ng Tsing Yi Public Pier sa Hong Kong.
Inaalam na ng mga awtoridad kung aksidente o may ‘foul play’ sa pagkamatay ng 51-anyos na babae.
Nakuha ang isang ID ngunit hindi pa kinukumpirma kung ito ay pag-aari ng biktima.
Isang babaeng Hong Kong citizen ang unang nakakita sa bangkay at agad itong tumawag sa mga awtoridad.
Nabatid na hinihintay na lamang ng Philippine Consular Office ang kumpletong ulat ng awtoridad hinggil sa insidente.
Samantala, nakikipag-ugnayan na ang Migrant Workers Office sa awtoridad para sa pagbabalik sa Pilipinas ng bangkay at para na rin sa pagbibigay ng tulong sa naulilalang pamilya.