Pinay natagpuang patay sa Hong Kong

By Jan Escosio July 14, 2023 - 02:31 PM
Naaagnas na ang katawan ng pinaniniwalaang Filipina nang matagpuan kahapon sa  gilid ng Tsing Yi Public Pier sa Hong Kong. Inaalam na ng mga awtoridad kung aksidente o may ‘foul play’ sa pagkamatay ng 51-anyos na babae. Nakuha ang isang ID  ngunit hindi pa kinukumpirma kung ito ay pag-aari ng biktima. Isang babaeng Hong Kong citizen ang unang nakakita sa bangkay at agad itong tumawag sa mga awtoridad. Nabatid na hinihintay na lamang ng Philippine Consular Office ang kumpletong ulat ng awtoridad hinggil sa insidente. Samantala, nakikipag-ugnayan na ang Migrant Workers Office sa awtoridad para sa pagbabalik sa Pilipinas ng bangkay at para na rin sa pagbibigay ng tulong sa naulilalang pamilya.

TAGS: Hong Kong, news, pinay, Radyo Inquirer, Hong Kong, news, pinay, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.