Tropical Depression Dodong napanatili ang lakas; 12 lugar nasa Signal No. 1

By Chona Yu July 14, 2023 - 11:23 AM

 

Napanatali ng Tropical Depression Dodong ang lakas habang tinatahak ang hilaga-hilagang kanluran ng hilagang kanluran ng Cagayan area.

Base sa 11:00 a.m. advisory ng Pagasa, nasa Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 ang Cagayan, Isabela, Apayao, Kalinga, Abra, Mountain Province, Ifugao, Benguet, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, at hilagang bahagi ng Pangasinan (San Nicolas, San Manuel, Sison, San Fabian, Pozorrubio, Bolinao, Bani, City of Alaminos, Sual, Labrador, Lingayen, Agno, Binmaley, Dagupan City, San Jacinto, Mangaldan, Anda).

Namataan ang sentro ng bagyo sa bisinidad ng Allacapan, Cagayan.

Kumikilos ang bagyo sa hilaga-hilagang kanluran sa bilis na 15 kilometro kada oras.

Taglay ng bagyo ang hangin na 45 kilometro kada oras at pagbugso na 75 kilometro kada oras.

Inaasahang lalabas ang bagyo sa Philippine Area of Responsibility sa Hulyo 16.

 

TAGS: Bagyong Dodong, Cagayan, news, Pagasa, Radyo Inquirer, Bagyong Dodong, Cagayan, news, Pagasa, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.