5 volcanic quake, 361 rockfall events naitala sa Bulkang Mayon

 

Limang volcanic earthquake, 361 na rockfall events at pitong pyroclastic density current events ang naging aktibidad ng Bulkang Mayon sa nakalipas na 24 oras.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, nasa 1,582 tonelada ng sulfur dioxide ang ibinuga ng bulkan.

Naging mabagal ang pagdaloy ng lava mula sa crater na may haba na 2.8 kilometro sa Mi-isi Gully, 1.4 kilometro sa Bonga Gully at 4 na kilometro sa Basud Gully.

Nasa 200 metro ang taas ng ibinuga na plume. Katamtaman ang naging pagsingaw nito at napadpad sa silangan-timog-silangan.

Nanatili sa Alert Level 3 ang bulkan.

Read more...