74 patay sa kidlat sa India

 

Sa loob lamang ng hindi bababa sa 24 oras, nasa 74 katao na ang nasawi sa eastern at northern India, at karamihan sa kanila ay pawang mga magsasaka pa.

Pinakamarami ang nasawi sa eastern state ng Bihar, kung saan 57 ang nasawi dahil sa kidlat, at hindi bababa sa 24 ang nasugatan nang bumuhos ang malalakas na ulan.

Sampu naman ang nasawi sa kalapit nitong Jhakhand state, anim sa Uttar Pradesh state at isa sa Maharashtra.

Ayon sa opisyal ng Bihar disaster management, maraming mga baka rin ang namatay nang tamaan ng kidlat.

Kabilang sa mga nasawi ang walong pastol na nagbabantay sa kanilang mga tupa.

Inaasahan na tataas pa ang bilang ng mga nasawi oras na dumating ang mga ulat mula sa mga liblib na lugar.

Pangkaraniwan na ang madalas na pagkidlat sa tuwing panghon ng tag-ulan sa India mula June hanggang September, ngunit di hamak na masyadong mataas ang bilang sa taong ito.

Ayon sa kanilang National Crime Bureau, hindi bababa sa 2,000 ang nasasawi sa kanila taon-taon dahil sa kidlat.

Read more...