Labing limang lugar sa bansa ang nasa ilalim ng Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 1.
Ito ay dahil sa nag-landfall na ang Tropical Depression Dodong sa Dinapigue, Isabela ngayong umaga.
Base sa 5:00 a.m. advisory ng Pagasa, namataan ang sentro ng bagyo sa San Mariano, Isabela.
Taglay ng bagyo ang hangin na 45 kilometro kada oras at pagbugso na 55 kilometro kada oras at central pressure na 1000 hPa.
Kumikilos ang bagyo sa kanluran-hilagang kanluran sa bilis na 15 kilometro kada oras.
Kabilang sa mga lugar na nasa Signal No.1 ang Cagayan, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Apayao, Kalinga, Abra, Mountain Province, Ifugao, Benguet, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, hilagang bahagi ng Pangasinan (San Nicolas, San Manuel, Sison, San Fabian, Pozorrubio, Bolinao, Bani, City of Alaminos, Sual, Labrador, Lingayen, Agno, Binmaley, Dagupan City, San Jacinto, Mangaldan, Anda), hilaga at sentrong bahagi ng Aurora (Maria Aurora, San Luis, Baler, Dipaculao, Dinalungan, Casiguran, Dilasag).