Lola, 71, grumadweyt sa elementarya sa Taguig City

By Jan Escosio July 14, 2023 - 07:40 AM
Isang 71-anyos na lola ang napabilang sa mga daan-daang estudyante sa Taguig City na nagtapos ng elementary.   Grumadweyt si Lola Ellen Rivera sa Maharlika Integrated School.   Sa kabila ng kanyang edad, nagpursige si Lola Ellen na makakuha ng edukasyon sa tulong ng mga tao na kumupkop sa kanya.   Laking pasalamat din ni Lola Ellen kay Mayor Lani Cayetano dahil sa mga libreng kagamitan tulad ng uniporme, sapatos at medyas, sa mga mag-aaral, na ilan sa mga tinutukang programa ng lokal na pamahalaan upang mabigyan ng ng oportunidad at tulong ang bawat Taguigueño, anuman ang edad nila, para makamit ang mga pangarap nila sa buhay. Kasabay niyo, hinikayat ni Lola Ellen ang mga kapwa niya senior citizen na huwag tumigil sa pagkuha ng edukasyon kung may paraan at oportunidad lamang din.   Personal din na binati nina Vice Mayor Arvin Ian Alit,  Couns. Yasser Pangandaman,  Ed Prado, Jomil Serna, Alex Penolio, at Marisse Balina-Eron si Lola Ellen sa kanyang nakamit na tagumpay.

TAGS: elementary, Graduation, Lola, news, Radyo Inquirer, taguig, Taguig City, elementary, Graduation, Lola, news, Radyo Inquirer, taguig, Taguig City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.