Israel tinitingnan ni Sen. Robin Padilla sa medical-use marijuana

By Jan Escosio July 13, 2023 - 07:32 PM

SENATE PRIB PHOTO

Ang Israel ang tinitingan ni Senator Robinhood  Padilla na maaring paggayahan ng paggamit sa bansa ng marijuana para paggamot ng mga sakit.

Sa pagdinig ng Committee on Health, na pinamunuan ni Padilla kanina, sinabi ni Padilla na marami siyang natutuhan nang bisitahin nila ng kanyang technical team ang Israel noong Mayo 1 – 3.

Tinalakay sa pagdinig ang Senate Bill No. 230 o ang Medical Cannabis Compassionate Access Act.

Pagbabahagi ni Padilla na kabilang sa kanyang natutuhan sa Israel ay ang pag-iwas sa maling paggamit o abuso ng “medical marijuana.”

“Kilala po ang Israel bilang isa sa mga bansang mayroong pinaka-maayos at pinaka malinaw na batas at regulasyon sa medical cannabis .Sila rin po ang may pinaka mayabong na pag-aaral at pananaliksik ukol dito . At kung usapin lang din ng law enforcement o pagpapatupad ng batas, wala nang mas hihigpit pa sa Israel. Ang ating nasaliksik sa Israel ay isasama natin sa ating balangkas na batas na tugma din sa pangangailangan ng medical cannabis dito sa atin,’ sabi pa ng senador.

Lubos aniya silang naliwanagan sa paliwanag ng  Israel Ministry of Health at Israeli Medical Cannabis Agency ukol sa mga regulasyon at kinakailangang permits.

 

 

TAGS: gamot, israel, Marijuana, sakit, gamot, israel, Marijuana, sakit

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.