US official: Kalma lang sa oras na lumabas ang desisyon sa South China sea dispute

 

Inquirer/AFP

Nanawagan ang Estados Unidos sa China at iba pang mga bansa na maging mahinahon oras na lumabas na ang desisyon ng arbitral court kaugnay sa agawan ng mga teritoryo sa South China Sea.

Isang mataas na opisyal ng US state department ang nagsabi na ang desisyon na ilalabas ng arbitration panel sa The Hague ay posibleng magbigay ng malaking paglilinaw para sa mga nag-aagawan sa mga teritoryo sa rehiyon.

Maari din aniyang makatulong ang nasabing ruling para magkaroon ng kasunduan sa pagitan ng lahat ng mga claimants sa rehiyon at para maiwasan ang anumang uri ng komporontasyon.

Ito ain aniya ay posibleng maging hudyat ng mga diplomatikong pag-uusap sa pagitan ng mga bansang umaangkin sa mga pinag-aagawang teritoryo.

Una nang nagmatigas ang China at sinabing hindi nila kikilalanin ang anumang desisyon ng arbitration sa kabila ng mga panawagan ng mga pamahalaan ng iba’t ibang bansa sa kanila na respetuhin ang international law.

Nabahala na rin ang nabing US official sa presensya ng mga Chinese Coast Guard na nag-escort sa mga Chinese fishing vessels sa Natuna Islands ng Indonesia.

Matatandaang noong Biyernes, nagpaputok pa ng warning shots ang mga Indonesian vessels sa mga Chinese vessels, at iginiit na wala silang overlapping claims sa China sa South China Sea.

Read more...