Nasa 29 Filipino pa ang nasa Port of Sudan at naghihintay na mailikas pauwi ng Pilipinas.
Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni Foreign Affairs Assistant Secretary Paul Cortez na naghihintay ang mga ito na madala sa Jeddah sa Saudi Arabia o sa Doha, Qatar para makauwi na ng Pilipinas.
Nasa 121 naman na Filipino ang nagpasya na manatili na muna sa Sudan.
Sabi ni Cortez, nagkakasakit na ang mga Filipino sa Sudan dulot ng kaguluhan.
Aminado si Cortez na pahirapan ang paglikas sa mga Filipino palabas ng Sudan dahil sa kawalan ng passport.
Tiniyak naman ni Cortez na gagawin ng pamahalaan ang lahat ng paraan para madala sa ligtas na lugar ang mga Filipino.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.