Idiniin ni Senator Ramon “Bong’’ Revilla Jr. ang kahalagahan ng pagkakaroon ng rainwater harvesting facilities sa mga bagong structural development projects bilang pangmatagalang solusyon sa El Ñino phenomenon.
Ayon kay Revilla, noon pang nakaraang Agosto nang isampa niya ang Senate Bill 990, o ang “Rainwater Harvesting Facility Act of 2022,” sa layon na mabawasan ang epekto na dulot ng El Ñino.
Paliwanag niya, magiging mandato na ang paglalagay, pangangasiwa at regulasyon ng rainwater harvesting facilities sa lahat ng bagong institutional, commercial, industrial, at residential development projects sa Metro Manila.
Aniya ang mga proyekto na may lawak na 100 suare meters ay kinakailangan na magkaroon ng mapapag-ipunan ng tubig ulan.
Samantalang ang mga developers naman ng commercial, industrial, at residential development o kahit residential multi-dwelling units na may lawak na higit 1,000 square meters ay kinakailangan na magsumite ng Rainwater Management Plan (RMP) kasabay ng aplikasyon para sa kanilang proyekto.
Diin ni Revilla paulit-ulit ang El Niño kayat kailangan ng pangamatagalang solusyon sa mga epekto nito.