Pasilidad para sa sahod-ulan hiningi ni Revilla sa mga bagong development projects

By Jan Escosio July 13, 2023 - 03:01 PM

SENATE PRIB PHOTO

Idiniin ni Senator Ramon “Bong’’ Revilla Jr. ang kahalagahan ng pagkakaroon ng rainwater harvesting facilities sa mga bagong structural development projects bilang pangmatagalang solusyon sa El Ñino phenomenon.

Ayon kay Revilla, noon pang nakaraang Agosto nang isampa niya ang Senate Bill 990, o ang  “Rainwater Harvesting Facility Act of 2022,” sa layon na mabawasan ang epekto na dulot ng El Ñino.

Paliwanag niya, magiging mandato na ang paglalagay, pangangasiwa at regulasyon ng  rainwater harvesting facilities sa lahat ng bagong institutional, commercial, industrial, at residential development projects sa Metro Manila.

Aniya ang mga proyekto na may lawak na 100 suare meters ay kinakailangan na magkaroon ng mapapag-ipunan ng tubig ulan.

Samantalang ang mga developers naman ng commercial, industrial, at residential development o kahit  residential multi-dwelling units na may lawak na higit 1,000 square meters ay kinakailangan na magsumite ng  Rainwater Management Plan (RMP) kasabay ng aplikasyon para sa kanilang proyekto.

Diin ni Revilla  paulit-ulit ang  El Niño kayat kailangan ng pangamatagalang solusyon sa mga epekto nito.

 

TAGS: El Niño, rainwater collecting system, El Niño, rainwater collecting system

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.