LPA sa Luzon posibleng maging bagyo

May posibilidad na maging bagyo ang tinutukang  low-pressure area (LPA) malapit sa Timog Luzon sa susunod na dalawang araw, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Ito ay tatawagin na “Dodong,” ayon sa PAGASA.

Sa inilabas na 11am weather bulletin, ang LPA ay huling namataan sa distansiyang 160 kilometro silangan-hilagang silangan ng Infanta, Quezon.

Dahil sa epekto ng LPA ay pinaiigting nito ang habagat kayat posible na ang pag-ulan ay maaring maranasan sa malaking bahagi ng Luzon, kasama na ang Metro Manila, at Visayas hanggang sa Hulyo 15, araw ng Sabado.

Hindi isinasantabi ang posibilidad ng flashfloods at landslides sa mga tinukoy na “hazard areas.”

Read more...