May posibilidad na maging bagyo ang tinutukang low-pressure area (LPA) malapit sa Timog Luzon sa susunod na dalawang araw, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Ito ay tatawagin na “Dodong,” ayon sa PAGASA.
Sa inilabas na 11am weather bulletin, ang LPA ay huling namataan sa distansiyang 160 kilometro silangan-hilagang silangan ng Infanta, Quezon.
Dahil sa epekto ng LPA ay pinaiigting nito ang habagat kayat posible na ang pag-ulan ay maaring maranasan sa malaking bahagi ng Luzon, kasama na ang Metro Manila, at Visayas hanggang sa Hulyo 15, araw ng Sabado.
Hindi isinasantabi ang posibilidad ng flashfloods at landslides sa mga tinukoy na “hazard areas.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.