Mga gumagamit ng pekeng PWD ID sa QC, binalaan ni Belmonte

By Chona Yu July 13, 2023 - 12:44 PM

Photo credit: Quezon City government

 

Binalaan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang mga nanlolokong indibidwal na gumagamit ng Persons with Disability (PWD) identification card.

Ayon kay Belmonte, nagpatupad na ang Persons with Disability Affairs Office (QC PDAO) ng mas mahigpit na verification processes para mahuli ang ilang indibidwal na nagpapanggap na mayroong disability.

“The improper use of PWD IDs to obtain discounts, by individuals who are not legitimate PWDs is completely unacceptable. To address this issue, we have implemented an automated registration system which makes the process more efficient and secure,” pahayag ni Belmonte.

Sabi ni Belmonte, gumagamit na ngayon ang bagong PWD ID registration system ng online portal QC E-Services kung saan pinagsusumite na ang mga aplikante ng mga kaukulang dokumento para patunayan ang disability.

Sa ganitong paraan, sinabi ni Belmonte na mawawala na ang padrino at mga fixers.

Sabi ni Belmonte, nasa 78,000 ang PWD ID holders sa lungsod bago tumama ang pandemya sa COVID-19. Pero matapos aniya ipatupad ang automated system, nasa 52,000 na lamang ito.

Ayon pa kay Belmonte nabuking din na sa 7,000 na na-reject na aplikante, karamihan sa mga ito ay gumagamit ng mga pekeng medical certificates.

Samantala, sinabi ni Belmonte na binibigyang prayoridad na ngayon ng lokal na pamahalaan ang pagbibigay ng accessibility sa mga PWD sa pamamagitan ng paglalagay ng mga ramps sa mga sidewalks.

 

TAGS: id, joy belmonte, peke, pwd, quezon city, Radyo Inquirer, id, joy belmonte, peke, pwd, quezon city, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.