Pinatutukan ni Pangulong ” Marcos Jr. sa Department of Transportation (DOTr) ang mga road right of way para sa itatayong South Commuter Railway Project ng North-South Commuter Railway System.
Sa talumpati ng Pangulo sa contract signing, sinabi nito na dapat magkaroon ng land acquisition at relokasyon na rin sa mga pamilyang maapektuhan pati na ng utility poles ng itatayong railway project.
Dagdag pa nito, dapat na tiyakin na may sapat na ayuda na ibibigay ang pamahalaan sa mga maapektuhang pamilya.
Kasabay naman nito ang paghingi niya ng pang-unawa at pasensya sa publiko dahil sa abalang dulot sa konstruksyon ng railway project.
Tiyak naman aniyang malaking ginhawa ang idudulot kapag natapos na ang proyekto sa 2029 dahil sa tinatayang 800,000 pasahero ang masi-serbisyuhan kada araw ng railway project.
May 3,000 trabaho ang maibibigay sa konstruksyon ng 14.9 kilometrong railway project.