Right of way sa pagpapatayo ng South-North railway system ibinilin ni PBBM

By Chona Yu July 13, 2023 - 12:39 PM

Pinatutukan ni Pangulong ” Marcos Jr. sa Department of Transportation (DOTr) ang mga road right of way para sa itatayong South Commuter Railway Project ng North-South Commuter Railway System.

Sa talumpati ng Pangulo sa contract signing, sinabi nito na dapat magkaroon ng land acquisition at relokasyon na rin sa mga pamilyang maapektuhan pati na ng utility poles ng itatayong railway project.

Dagdag pa nito, dapat na tiyakin na may sapat na ayuda na ibibigay ang pamahalaan sa mga maapektuhang pamilya.

Kasabay naman nito ang paghingi niya ng pang-unawa at pasensya sa publiko dahil sa abalang dulot sa konstruksyon ng railway project.

Tiyak naman aniyang malaking ginhawa ang idudulot kapag natapos na ang proyekto sa 2029 dahil sa tinatayang 800,000  pasahero ang masi-serbisyuhan kada araw ng railway project.

May  3,000 trabaho ang maibibigay sa konstruksyon ng  14.9 kilometrong railway project.

TAGS: dotr, PNR, project, right of way, dotr, PNR, project, right of way

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.