P34.5-M halaga ng smuggled Thailand sugar buking sa MICP
Nadiskubre ng mga ahente ng Bureau of Customs (BOC) ang may P34.5 milyong halaga ng smuggled sugar mula sa Thailand.
Ang pagkakadiskubre ay nangyari sa pagsasagawa ng inspections sa mga container sa Manila International Container Port (MICP).
Unang nadiskubre ang P17.25 milyong halaga ng imported refined sugar mula sa Thailand sa loob ng 10 containers noong Hulyo 10.
Kasunod nito, katulad na halaga ng ipinuslit na asukal ang nadiskubre sa lima pang containers.
Nabatid na ang mga asukal ay para sa Smile Agri Ventures Inc., at dumating sa MICP noong nakaarang Mayo 27 at idineklarang 100,000 kilo ng silica sand sa bawat isang container.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.